Saturday, August 19, 2017

SpeciaL Pan De SaL









Special Pan De Sal



Ingredients:


  • ½ Kilo All - Purpose Flour 
  • 6 tablespoon brown sugar  
  • ½ tablespoon salt 
  • 3 tablespoon melted butter or oil 
  • 1/3 Cup Condensed Milk or Fresh Milk 
  • ½ tablespoon Yeast 
  • ½ Cup Water 
  • 1 – 2 pcs. Eggyolk 
  • Ihanda ang Breadcrumbs

Procedure:


  1. Tunawin ang yeast sa tubig, lagyan ng kaunting asukal, haluin lang at itabi. 
  2. Pagsamahin ang harina, asukal at asin. Salain para mawala ang nagbuo-buo. 
  3. Ang itinabi na yeast kapag bumula na ay ihalo ang itlog, milk,at butter. 
  4. Ihalo ngayon sa harina at umpisahang masahin. 
  5. Budburan ng kaunting harina ang iyong masahan o kaya sa maliis na mesa. Masahing lang ng mabuti. 
  6. Kapag sa tingin niyo ay puydi na, ang dough ay ilagay sa bowl na nilagyan ng kaunting mantika ikalat lang. Takpan at patubuin hanggang umalsa. 
  7. Paalsahin sa medyo mainit na Lugar. 
  8. Kung sa tingin ninyo ay dumoble na ang laki ito ay puydi na. 
  9. Ihanda na ang baking pan at bread crumbs. 
  10. Ilatag ang dough sa mesa at hiwain pahaba. Unahin paghiwa sa gitna.  E rolyo at hiwain ng pa-diagonal at igulong sa bread crumbs. At ilagay sa baking pan. 
  11. Takpan at paalsahin ulit, hanggang dumoble ulit ang size niya. 
  12. Kapag umalsa na ay painitin ang Oven sa 160°C 
  13. Oras: 16 - 18 Minutes, hanggang maging golden brown.

Preheat Oven:       160°C

Time:                   16 - 18 Minutes


Note:

Kung may Bread Maschine kayo iyon ay puyding gamitin. Sundin lang ang Paggawa sa Dough.

Kung wala kayong Bread maschine ay masahin nalang sa kamay, 12 - 15 minutes hanggang sa tingin ninyo ay puydi na.

No comments:

Post a Comment